_________________________________________________
Kunwari, masaya ako. Kunwari, OK ako.
Kunwari, wala akong problema. Kunwari, nasa langit ako.
OK lang ba kung isipin kong kunwari mahal mo rin ako?
Kunwari lang naman e...
Masakit pag yung taong mahal mo iniwan ka
masakit kapag nakita mong may kasama syang iba
pero di ba mas masakit pag nakita mo masaya sya ---
masaya sya dahil wala ka na
Matagal na kitang mahal alam 'yun ng iba
ngunit ba't ikaw? Hanggang ngayoin, hindi pa
nakita kitang masaya at nakatawa
lalapitan na sana kita kaya lang, tangina! Kasama mo sya
Alam mo miss na kita, kaso siya naman miss mo!
lam mo mahal kita, kaso siya rin mahal mo!
Siya na lang lagi! Kahit nasasaktan ka niya okay lang kasi mahal mo siya!
Ang tanga mo no, parang ako!
If I only have one hour left to live and I'm with you that day...
I'll lay my head unto your shoulders as I feel the breeze touch my skin and
say
" pasandal lang po muna ha? matagal po akong mawawala eh."
Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon?
paano kung hindi ka niya mahal? anong ipaglalaban mo?
isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama?
mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba?
pero pag mahal mo talaga, kakayanin mo di ba?
Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo,
huwag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago..
.ayokong makitang nahihirapan ka...
tignan mo nangyari sa akin nung minahal kita....
Sabi nila, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo..
.lahat gagawin mo...pero paano na lang kung hilingin niya na maghiwalay
kayo...
ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?
Paano mo malalaman kung mahal ka niya?
Simple lang....tumalon ka tapos sigaw mong mahal mo siya,
pero kung di ka niya sasaluhin, wag kang mag-alala, ano ba'ng silbi ko?
di ba tagasalo pag wala siya?
Sabi mo mahal mo ko...
sabi mo di mo ko iiwan..
sabi mo hihintayin mo ko.
Saglit lang akong nawala iba na kasama mo.
andaya talaga...
dahil ba sa mahal mo lang ako pag wala siya?
Ask ko si God, sabi ko "Bakit mo siya kinuha sa kin?
binigay ko naman lahat?
" Sabi niya "Di ka kasi nagtira para sa'yo"
sabi ko, "Ganito po kasi ako magmahal."
sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo pati ako"
Sana akin ka para di ka iiyak.
sana akin ka para di ka na masasaktan.
sana akin ka para di ka na aasa pa.
ngunit ang talagang nais ko'y
Sana ako siya na minahal mo ng sobra sobra.